Robin Padilla, sinabing nakisakay lang sa kaniya si Bato dela Rosa; 'di raw niya tinulungang 'tumakas'
Inihayag ni Senador Robin Padilla na nakisabay at nakisakay lamang umano sa kaniya si Senador Ronald "Bato" dela Rosa palabas ng Senado matapos ang insidente ng pamamaril sa loob ng kapulungan noong nakaraang linggo. Giit din niya, hindi niya ito tinulungang “tumakas.”
Original source: GMA News