Global·NewlyNewsPH

Senado, nagtipon na bilang impeachment court para litisin si VP Sara Duterte; Sen. Bato, absent

PH · · GMA News

Maliban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, present ang 23 senador sa plenaryo ng Senado ngayong Lunes upang buuin ang kapulungan bilang impeachment court na lilitis kay Bise Presidente Sara Duterte. Kaugnay ito sa mga paratang ng Kamara de Representantes na may kinalaman sa umano"y mabigat na paglabag ng huli sa Saligang Batas, pagkakasangkot sa katiwalian, at pagtataksil sa tiwala ng publiko.