Pulis na nanakit sa kaniyang live-in partner sa viral video, kinasuhan; humingi ng tawad sa biktima
Nahaharap sa mga kasong administratibo at kriminal ang isang pulis sa Malolos City, Bulacan, na napanood sa isang viral video na sinasaktan ang kaniyang live-in partner, ayon sa National Police Commission (NAPOLCOM) nitong Miyerkoles. Ang pulis, humingi ng tawad sa biktima nang magkaharap.
Original source: GMA News