Global·NewlyNewsPH

Walang bagong paghihigpit sa green card application sa bagong memo na inilabas ng USCIS-- Fil-Am immigration lawyer

PH · · GMA News

Inihayag ng isang immigration lawyer at alkalde ng Bergenfield, New Jersey, na walang bagong patakaran na nag-uutos sa mga nag-a-apply ng US Green Card na bumalik sa kanilang bansang pinagmulan habang pinoproseso ang kanilang aplikasyon. Sa halip, nakasaad umano sa US Citizenship and Immigration Services (USCIS) memorandum na inilabas kamakailan na mas mahigpit lamang na ipatutupad ang mga umiiral na batas sa imigrasyon.