Global·NewlyNewsPH

Ex-DBM chief Pangandaman, inireklamo sa Ombudsman dahil sa paglilipat ng P60-B PhilHealth fund

PH · · GMA News

Nahaharap ang dating kalihim ng Department of Budget and Management (DBM) na si Amenah Pangandaman sa reklamong may kaugnayan sa umano"y technical malversation, graft, at iba pang administratibong kaso kaugnay ng paglilipat ng P60 bilyong sobrang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at P107 bilyong pondo ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) sa pambansang kaban ng bayan, na umano"y labag sa batas.